Thursday, 31 May 2012

SUPERFERRY 20 FAMILY

SUPERFERRY 20 crew motto;


             " Lupa man may titulo, naaagaw pa rin..."




              This picture was taken inside the Bridge of Superferry 20 as alphamike. Payat ko pa dito.




    Team  Prowa ( Forward part of vessel )


   I am also part of this team, kami yong responsible sa pagbaba at pag angat ng anchor, at forward mooring lines taga secure ng barko.
   Pinakamahirap na trabaho sa PROWA, ay pagkakamali bakit?.. kasi bawat kilos at galaw namin ay kitang kita ng captain ng barko. Dapat bawat kilos sakto at kalkulado kasi kunting pagkakamali kita agad sa bridge.




   Team Pupa ( Aft part of vessel )


    Naging part din ako minsan ng team  na to masasabi ko lang hayahay talaga. Walang pressure kasi alam mo di nakikita ng bridge pagkakamali mo less pressure kaysa sa prowa.
    Pinakamahirap na trabaho namin dito ay pagdikit at pag alis ng barko, mahirap kasi may propeller ka dapat tignan lalo na kong malakas ang agos ng dagat.
    Naalala ko pa sa Port ng Iloilo malakas ang current ng dagat doon kaya one time na papaalis na kami di inaasahan kainin ng propeller yong tali ng barko. Dahil doon na delay kami ng biyahe overnight kami doon kinabukasan na kami nakaalis dahil kinailangan tanggalin muna ang tali nkaikot sa propeller,buti nalang di nasira ang propeller kaya di na kinailangan ma drydock ulit.
      Walang madaling trabaho sa barko.bawat job order ay mahalaga matapos ng maayos at ligtas...


      Team Engine


     Pinapakilala ko naman sa inyo ang mga taong responsable sa kaayusan ng makina ng barko.












     Team B ( Fire fighting crew)


     Kuha ang litratong ito bago mag  emergency drill namin sa barko. Mahalaga sa bawat barko magsagawa ng pag sasanay tungkol sa bawat sinaryo pwedeng mangyari sa barko. To familiarize and be aware what will going to do during emergency.












   Me and my workmate tawagin natin siyang Brother, pagkatapos ng trabaho,sa hapon. Mukha ba kaming pagod galing lang naman kami sa voil space niyan sa loob ng tangke ng barko, mga walang magawa. Photo taken sa pupa.

No comments:

Post a Comment